HAWAK KAMAY
Minsan madarama mo
kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka
at masasabing “di ko makakaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
[chorus]
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho
sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema’y
tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
[repeat chorus]
[bridge]
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin
meron kang kasama
Narito ako oh,
Narito ako
[repeat chorus]
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay,
Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan
Wednesday, May 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment